Friday, March 28, 2014

Creepy Tour in the City of Pines

November 5 - 7, 2011

This is my first ever halloween tour in Baguio. The LDS church does not encourage this kind of activity because it may be an open invitation to the adversary. Hindi ko alam na may pina-reserved silang tour na ganito...waaa..nasa van palang kami at papunta palang sa unang site eh sobrang kabog ng dibdib ko na parang hihimatayin ...hay...sobra po talaga ako natatakot...just imagine po, umuulan sa baguio, sobrang kapal ng fog at gabi...kaya nakadagdag sa fear ung condition ng place...waaaa

unang stop.. botanical garden...habang naglalakad ay nagpray po talaga ako na maging safe kami sa lahat ng aming pupuntahan...alam nyo po ba na may underground escape tunnel routes to places in Baguio? amazing po talaga... kapag andun po kayo sa tunnel you can go anywhere in Baguio... kung pupunta kayo sa camp john hay ay gagapang po kayo papunta dun using the tunnel, kung sa The Mansion naman ay aakyat sa mga steps na matatarik...madilim po talaga sa tunnel at ung ibang place dun sa tunnel ay mga dating rooms.. nakatuwa lang po talaga na may ganitong place sa baguio na hindi masyadong alam ng mga tao.

next stop..yulo mansion...ung nakatirang family dito ay marunong ng witchcraft...so walang nakakatagal na caretaker sa mansion na dito...sa may harap lang po kami ng gate...nung andun kami sa may gate...sinabihan po kami nung isang spirit questor name Geoff na may isang matandang babae na nakatingin samin from our back na red eyes daw... hindi po talaga ako lumilingon sa likod...paglingon ni Dennis ay wala naman... blessed lang kami ni Dennis dahil wala po kaming third eye...buti na lang po talaga...

eto po ung ibang pinuntahan namin...

*Mental hospital - hindi po kami bumaba ni dennis dito...naiwan kami ng ibang kasama namin sa van

*Suello village - tapunan ng mga sina-salvage..

*Baguio General Hospital - tapunan ng mga fetus at mga namamatay..

*American Cemetery - nakakatawa po dito kasi po ang alam ng lahat nakalock ang gate so we all pass sa gilid ng gate kung san ay dapat po kayong mag jump para makababa pero mababaw lng naman po parang half ng height ko tapos nung palabas na kami...ung iba dun ulit dumaan sa gilid tapos nakita namin na bukas pala ung gate...hahaha...

*Loakan Road - meron po dito na isang big tree tapos ung canopy nito umaabot across the street, people who tried to cut down the tree suffer from sudden illness and death. sabi may white lady daw na nagpapakita sa road na ito...

*Ruins of Hyatt Hotel - collapsed due to July 1990 earthquake where 1000 people died...sobrang lakas po ng hangin dito...ika nga tagos sa buto..the gate moved twice tapos paglabas nila (diane, geoff, jason) sa gate, bigla nlang nag-stop ung wind...katakot talaga.. dipa ito detailed… kwento ko na lang ulit.

*Camp John Hay - nagpapicture lang po kami dito... rest lang...hahaha

*Little Kibungan - nagkaron ng landslide dito two years ago...

It was really a creepy night... pass 12midnight na po kami nakabalik sa pension house... sobrang pagod po talaga kami... I decided to freshen up para makatulog na, nasa washroom ako at paglabas ko ng washroom ay wala na silang lahat dun (Dennis, Jason and Diane) so inaayos ko muna lahat ng gamit ko for the next day...after nun ay pinuntahan ko sila sa may terrace...nung nakita ko sila I felt something na meron silang hindi sinasabi sakin... tama ako...nagkwento na si Dennis...habang nasa washroom ako at nagtetext sya ay bigla sya napatingin sa bag ko at nakita nya na gumagalaw ung handle ng bag ko na parang pendulum... kaya pala paglabas ko wala nang tao... waaa... kaya nagkaron ng "martial law" walang magpapatay ng ilaw at iiwanang bukas ang tv" hay... hindi na naman ako nakatulog... unang night namin sa house ay hindi rin ako nakatulog tapos sa 2nd night hindi pa rin...waaa... mga bandang 330am ay may nagbukas ng door, waaaa, nagising kami only to find out na si Jason lang pala..hahaha...paranoid mode on!

naalala ko ikwento ko pala in detail ung nangyari sa Hyatt Hotel..ganito po un..pagbaba namin sa van..super duper lakas ng hangin, parang nilagay sa high cool ung aircon ng buong baguio city…haha..tumayo lang kami sa harap ng gate tapos ung ibang kasama namin ay pumasok sa may maliit na gate dun..sabi ng kasama namin na si Jason..may welcoming committee daw sa loob ng gate not far from where we are standing.. 5 people daw… as usual wala naman kami nakikita ni Dennis dahil wala naman po kaming 3rd eye na tinatawag tapos si Geoff (one of the spirit questor) hinanap nya ung caretaker para makapagpaalam na papasok kami…wala ung caretaker kaya hinanap ni Geoff sa kabilang dako (actually wala po ako idea kung san sya nagpunta..haha) pagbalik nya ay wala pa rin ung caretaker pero ganito ung itsura namin sa may gate ng Hyatt..




Legend:
A - Jane
J - Jason
D - Dennis
S  - Sarah
G - Geoff
O - Diane
Q - other



Ok habang ung ibang kasama namin ay nasa kabilang dako ng gate ay bigla ako nakarinig ng sound na parang may bumato sa big gate..sabi ko “ano un?” tapos narinig ulit namin ung sound na un..waaaahhh…impossible na hangin lang ang nagpagalaw sa gate because ung style ng gate ay ganito…



Either may kamay na gumalaw ng gate or something was thrown to it para makapagcreate un ng sound…grabe after nun..relax lang kami at nag-decide na kami umalis sa place..alam mo un, pagkalabas ng mga kasama ko sa may gate, biglang tumigil ang wind, tinakot na naman nila ang mga sarili nila, haha, deadma lang ako pero I’m wondering bakit ganun ang experience namin…pero ang alam ko ayaw ko na ulitin ang activity na ganito baka kung ano pa mangyari..waaa..I am glad that we were all safe after this tour. We were still protected by our Heavenly Father. If ask to do this activity again? No way! waaaa...